Babala: ang mga tao at pangyayari dito ay pawang likha lamang ng aking isipan... hihi
Nagsulat ako tungkol sa libro/pelikula na "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" noong Huwebes. Pero ang entry na ito ay hindi tungkol doon. Sabihin na nating lahat tayo ay naka-experience na ng ganito: yung hindi ka crush o gusto o even kilala ng crush mo. Alam natin yung feeling na kikiligin ka kapag daraan si crush sa harap mo, tapos kahit isang aksidenteng sulyap lang sa'yo e feeling mo na may gusto na siya/interesado na siya sa'yo.
Bata pa lang tayo, ang tanong na sa atin ng mga nanay o ate o kuya natin e "Sino crush mo?" Aminin mo man o hindi, mayroon man talaga o wala, aasarin ka ng mga kaibigan at pamilya mo na nagkakacrush ka na. Tama ba? Huwag mong sabihing hindi nangyari sa'yo yan. Ngayon, ilang taon ka na ba? Fourteen? Eighteen? Twenty-one? Kahit anong edad mo pa, kung isa kang normal na tao, ay paniguradong may crush ka.
Sabi nga nila, ang exciting naman talaga sa pagkakaroon ng crush ay yung pagaaksayahan mo siya ng panahon mo, tapos kapag kaunting sabi lang niya ng pangalan mo ay kikiligin ka na. Exciting di ba? Hindi mo alam kung interesado siya o hindi, pero go ka pa rin!
Una sa lahat, paano mo ba malalaman kung interesado siya sa'yo? (O hindi)
1. Kahit anong effort sa pakikipag-flirt sa kanya ay successful.
Alam mo na, ang usual na pagiging touchy at being all eyes and ears kay crush ay effective talaga. Kung hindi siya lumayo, o mukhang na-weirduhan sa'yo, success! Alam mo na, may pag-asa ka. Pero huwag masyadong umasa, malay mo, friendly lang pala talaga siya. Hahaha!
Kapag patuloy ka naman na nakikipag-usap sa kanya while getting all touchy and interested at ang sagot lang niya ay "Oo nga," "Pwede rin," "Hindi naman," not so good ang impression mo. Pwede mo pang ituloy, kung sapat na sa'yo ang na mas marami pang kayang sabihin si Siri kasya sa crush mong walang kwenta. Haha!
2. Siya na ang unang lalapit sa'yo.
Sabihin na nating nasa gathering kayo ng mga friends of friends niyo, at alam mo na dadating siya kasi ini-stalk mo na ang Facebook o Twitter niya o di kaya naman pina-text mo na siya sa kaibigan mong may number niya kung pupunta ba sya. Pagkakita niya sa'yo e magha-hi na agad sa'yo at kakamustahin ka. Ayan tayo e, swerte mo na yan. Kuhanin mo na kasi ang number, gamiting dahilan ang similar interest niyo tulad ng table tennis o di kaya naman ay beerpong. Haha!
Pero kung pagkadating mo sa gathering niyo e nakita mo siya, nilapitan mo kaagad, at nag-hi ka, tapos biglang after ilang minutes ay nagpaalam na siya sa friends of friends niyo na uuwi na siya, nako. Dalawa lang yan. Either may gagawin pa siya (not likely) o iniiwasan ka na niya. (awtsu!)
3. Tuloy-tuloy ang conversations niyo hanggang sa maging close na kayo.
Oops, grabe na 'to ha. Talagang interesado na niyan si crush kapag kahit sa Facebook o text pa yan e magkausap kayo at biglang magseset pa siya ng lakad niyo na kayo lang dalawa. Nakaalis ka na sa pa-crush crush lang. Pwede ka na ngayong magpatweetums, o kaya naman magpa-miss. Hindi na yan sakop ng post na 'to kaya gorabells ka na!
Ngunit kung ikaw naman ay in-add mo na siya sa Facebook, finollow sa Twitter, hinanap ang Youtube channel, Ask.fm, at kung ano ano pang social networking sites na member siya, plus kinuha mo pa ang number niya sa kaibigan pero hindi mo naman mai-text, at minessage mo na sa FB pero na-'seen-zone' ka lang, itigil mo na yan. Ilang linggo mo na ba yan crush ha, two weeks? six months? Habang maaga pa, move on to the next crush nalang na pagaaksayahan ng energy sa panlalandi o pangii-stalk. Sayang lang ang oras mo sa douchebag o bi-atch na yan. Gora na at hanapin ang mas compatible na crush para sa'yo. Anong malay mo, kapag naka-move on ka na saka siya magiging interesado sa'yo at gawin mo ang lahat ng ginawa niya sayo! (wishful thinking lang haha)
Matapos ang lahat ng yan, kung naging successful ang pagkakaroon mo ng crush kay crush, e tuloy mo lang yan. At kung hindi naman, gaya ng sabi ko kanina ay move on na agad sa next crush bago pa maging bitterness ang nararamdaman mo. Kaya naman tayo nagkaka-crush para mas exciting ang lovelife, yung tipong hahanap ka nalang ng crush kaysa naman sitting pretty ka lang waiting for your knight in shining armor. Kaya kung maging bitterness yan, aba, mali na ang pinasok mo. I-brain wash ang sarili ng three to four times na hindi nangyari yun at hanap na ng bagong crush! Magmadali!
Ngayon, pano nga ba malalaman kung bakit hindi ka crush ng crush mo?
I. Ayaw niya sa'yo.
Gaya ng unang chapter sa libro ni Ramon Bautista, isa sa mga pinaka-obvious na dahilan kung bakit hindi ka talaga crush ng crush mo e dahil ayaw niya sa'yo. Huwag mo nang ipilit, baka bigwasan ka na niyan. He's/she's not worth it.
II. You're out of his/her league.
Andami pang nalalaman na na ganyan, e para lang naman sa nagmamaganda/nagfeefeeling pogi yan. Kung feeling ng crush mo ay masyado siyang maganda/gwapo/sexy/ma-appeal para sa beauty mo, e, douchebag siya! Huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa mga taong ganyan ang pananaw. Malay mo, feeling din ng crush niya e he's/she's out of his/her league. Quits lang!
III. May gusto siyang iba.
Simple lang naman yan e. Gaya ng unang dahilan, ayaw niya sa'yo, posible dahil baka may gusto siyang iba. Minsan naman, hindi porke't may gusto siyang iba e ayaw niya na sayo. O kaya naman hindi porke't ayaw niya sa'yo e may gusto siyang iba. Malas mo lang kung ang sitwasyon mo e yung huli kong sinabi. Ang point ko rito ay hindi ka talaga mabibigyang pansin kapag iba ang laman ng isip at puso niya. Hintayin mo na lang na maggive-up siya sa crush niya, saka ka pumasok sa buhay niya. Anong malay mo, baka ikaw pa ang maghilom ng sugatan niyang puso? Haha!
Minsan, kung mamalasin ka talaga, lahat ng dahilan na sinabi ko e applicable sa'yo. Huwag ka nang magpakabitter, ginusto mo 'yan e. Mapapayo ko lang sa'yo ay move on, marami pa diyan ang mas worth ng stalking at flirting skills mo, kaysa sa crush mo na masyadong mataas ang standards na kahit siya, hindi pasok sa sariling standards niya. Hahaha!
P.S.
Marahil base ito sa mga karanasan ko, ng mga kaibigan ko o ng iba pang mga tao sa paligid ko. Puwede rin naman itong inspired by real events. Pero hindi ko naman masasabi na ang mga ito ay applicable sa lahat satin. May iba sigurong nakakarelate, pero may iba rin namang natatawa nalang sa mga nakasulat dito, kasi medyo parang bitter ang pagkasulat. Haha!
No comments :
Post a Comment